"Naku! Hapon na at patapos na ang araw."
Nakadungaw si Angelo sa bintana habang pinagmamasdan ang papalubog na araw. Pagud ang isipan sa maraming bagay na nakasalamuha sa araw na iyon. Mga taong sakay ng bus patungo sa iba't-ibang lugar o panig ng mundo para sa pagpapatuloy ng kani-kanilang buhay. Tanaw ito mula sa bintana bagaman natatabunan ng malagong puno ng madre de cacao.
"Kailan kaya daraan ang aking pinakamamahal?"
Heto na naman si Angelo, kaya pala buakas ang bintana, patay ang ilaw para di mapansin na mayroong tinatanaw mula sa babaan ng bus.
"Bakit kase di ko malapitan at maisabi ang nilalaman ng aking puso... "
Ito lagi ang drama sa bintanang ito.